
Isang ina at kaniyang anak ang nasawi matapos ma-trap sa sunog sa kanilang bahay sa Rosales, Pangasinan noong Martes ng umaga. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nakalabas ng bahay ang ibang mga tao, kasama na ang ginang. Subalit, bumalik siya para iligtas ang kaniyang 10-taong-gulang na anak na deaf and mute na natutulog pa sa loob ng kwarto.
Sinubukan niyang humingi ng tulong ngunit binalikan pa rin ang anak. Kapwa sila hindi na nakalabas ng buhay at natagpuan ang kanilang mga labi sa kwarto kung saan sila na-trap. Isang senior citizen naman ang sugatan sa insidente, ngunit hindi pa matukoy kung gaano kalala ang mga sugat.