Sugatan ang isang mag-ina matapos looban ng kawatan ang kanilang bahay sa Barangay Santo Niño, Marikina, noong Linggo ng madaling araw, Marso 30, 2025. Ayon kay Kyle Adamos, kapatid ng may-ari ng mga ninakaw na gadgets, nangyari ang insidente bandang 5:00 AM, nang mapansin ng bunso nila na nawawala ang cellphone at tablet mula sa usual na lugar nito sa ilalim ng kama ng kanilang nanay.
Napansin ni Kyle at ng kanyang pamilya na may kakaibang nangyari dahil bahagyang nakabukas ang kanilang pinto at gate, bagay na hindi karaniwan. Kaya’t nirepaso nila ang CCTV footage mula sa homeowners association ng kanilang barangay, at doon nila nakita ang lalaking naka-pulang jacket na pumasok sa bahay at kinuha ang mga gadget.
Natangay ng kawatan ang dalawang cellphone at isang tablet, na tinatayang nagkakahalaga ng halos P40,000. Labis ang pagkadismaya ni Kyle, lalo pa’t ang mga gadget ay kinuha mula sa ilalim ng kama kung saan bedridden ang kanilang nanay na may brain tumor.
“Nakakabahala kasi may sakit ‘yung mama namin, tapos ganun na lang. Buti na lang siguro hindi siya nagising, kasi baka iba ‘yung nangyari kung nagkita sila,” ani Kyle. Agad nilang ini-report ang insidente sa barangay, at sinimulan ang imbestigasyon.