
Huli ang isang lalaki matapos bantaan ang isang babae na ikakalat ang kanyang hubad na video kung hindi ito makikipagtalik sa kanya sa San Jose, Antique.
Ayon sa NBI-Antique, noong 2022, natanggap ng biktima ang mensahe mula sa suspek na may hawak umano itong hubad na video niya. Nang makiusap ang babae na burahin ito, pinilit siya ng lalaki na makipagtalik kapalit ng hindi pagkalat ng video.
Tatlong taon siyang pinilit at niloko ng suspek hanggang sa siya ay mabuntis. Dahil hindi tumigil sa pananakot ang lalaki, lumapit ang biktima sa NBI.
Naaresto ang suspek noong March 24 sa Dalipe, San Jose, Antique. Siya ngayon ay nahaharap sa mga kaso ng Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 at grave coercion.