
Historic ang naging performance ni Alex Eala sa 2025 Miami Open! Sa edad na 19, umabot siya sa semifinals ng tournament matapos talunin ang ilan sa pinakamagagaling na players sa mundo. Hindi inakala ng maraming sports fans na matatalo niya ang World No. 2 Iga Swiatek ng Poland at World No. 5 Madison Keys ng USA.
Nagsimula si Alex sa World No. 140 bago ang tournament, pero dahil sa kanyang impressive na laro, inaasahang tataas ang kanyang ranking sa World No. 75. Sa semifinals, nakalaban niya ang World No. 4 Jessica Pegula, kung saan nagtapos ang kanyang kampanya. Kahit hindi siya nakapasok sa finals, marami ang humanga sa kanyang dedication at husay sa paglalaro.
Dahil kabilang na siya sa Top 100 players, automatic na siyang makakapasok sa mga malalaking tennis tournaments, kabilang ang Australian Open, French Open, Wimbledon, at US Open. Malaking achievement ito para sa kanya at sa Philippine tennis, lalo na’t siya ang kauna-unahang Pilipina na nakatalo ng Top 10 players mula nang magsimula ang WTA rankings noong 1975.
Sa kanyang Instagram post, ipinahayag ni Alex ang kanyang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya. Aniya, “Proud ako sa sarili ko dahil hindi ako sumuko sa mahihirap na laban. Masaya rin ako na na-represent ko ang Pilipinas sa isa sa pinakamalalaking tennis tournaments sa mundo.” Dagdag pa niya, “Sobrang thankful ako sa lahat ng positive na energy at suporta na natatanggap ko. Sana magpatuloy ang inyong support kahit sa hirap at ginhawa.”
Tunay na inspirasyon si Alex Eala sa mundo ng sports! Sa kanyang dedication at talento, tiyak na marami pa siyang mararating sa international tennis scene.