
Sikat ang coconut water sa Hollywood dahil iniinom ito ng mga celebrities tulad nina Madonna, Gwyneth Paltrow, Courteney Cox, Demi Moore, at Matthew McConaughey. Sa Pilipinas, maraming buko kaya madaling makabili nito. Pero ligtas ba itong inumin araw-araw? Ano ang mangyayari kung nasobrahan?
Kung sawa ka na sa tubig at gusto mo ng may lasa pero healthy, mas maganda ang coconut water kumpara sa soft drinks, juice, at sports drinks na mataas sa sugar. Mayroon itong electrolytes tulad ng potassium at magnesium na nakakatulong laban sa dehydration at nagbibigay ng kaunting carbohydrates.

Ayon kay Erin Palinsky-Wade, isang registered dietitian, maraming benepisyo ang coconut water pero hindi ito dapat gawing kapalit ng tubig. Mayroon itong natural sugars at calories, kaya kung ito lang ang iinumin araw-araw, maaaring makaapekto sa calorie intake.
Ayon naman kay Natalie Rizzo, isa pang dietitian, dapat moderation lang ang pag-inom ng coconut water. Kahit ito ay mas healthy kaysa sa ibang inumin, dapat pa rin itong iniinom ng tama upang maiwasan ang negative effects.