Inanunsyo ni Elon Musk na ang X (dating Twitter) ay opisyal nang pag-aari ng xAI, ang kanyang sariling AI company, sa pamamagitan ng isang all-stock transaction.
Ayon kay Musk, ang pagsasanib ng X at xAI ay magpapalakas ng kanilang data, AI models, compute power, at distribution, na magbibigay ng mas matalinong at makabuluhang karanasan para sa bilyon-bilyong tao.
Bumili si Musk ng X noong 2022 sa halagang $44 billion USD, ngunit ngayon ay tinatayang nasa $33 billion USD na lamang ang halaga nito. Samantala, ang xAI, na gumawa ng Grok AI, ay may valuation na $80 billion USD matapos ang merger.
Ayon sa Emerge, ang huling pagtataya ng Fidelity Investments noong Oktubre 2024 ay naglagay ng halaga ng X sa $9.4 billion USD lamang. Bagamat tumaas ito sa pagtatapos ng taon, nanatili itong 77% na mas mababa kaysa sa orihinal na presyo ng pagbili.
Sinabi rin ng ulat na ang merger ng X at xAI ay maaaring magbigay ng access sa bagong investors, mapabuti ang valuation, at lumayo sa negatibong imahe ng Twitter takeover. Kasabay nito, may $12 billion USD na utang ang kumpanya na kailangang harapin matapos ang pagbebenta.