Opisyal na! Kumpirmado na ng Netflix ang paparating na live-action series ng Scooby-Doo. Ang bagong palabas ay magkakaroon ng 8 episodes at ilalahad kung paano nagkasama ang Mystery Inc. team kasama ang kanilang paboritong aso, si Scooby-Doo. Ang proyekto ay unang naiulat noong Abril 2024 at ngayon ay inaprubahan na para sa produksyon. Ayon sa Variety, sina Josh Appelbaum at Scott Rosenberg ang magiging manunulat at showrunners, kasama ang iba pang executive producers mula sa Berlanti Productions at WBTV.
Ayon kay Peter Friedlander, bise presidente ng scripted series ng Netflix, nais nilang dalhin ang Scooby-Doo sa bagong henerasyon ng mga manonood habang pinapasaya rin ang old fans. Batay sa opisyal na synopsis, ang kwento ay susundan sina Shaggy at Daphne sa kanilang huling summer sa camp, kung saan madadawit sila sa isang misteryo na may kinalaman sa isang nawawalang Great Dane puppy na maaaring nakasaksi sa isang supernatural murder. Kasama sina Velma at Freddy, susubukan nilang lutasin ang misteryo habang natutuklasan ang kanilang mga lihim.