
Isa na namang dahilan para ipagmalaki ang Philippine passport tuwing bumiyahe! Napasama ito sa listahan ng pinaka-aesthetic na pasaporte sa mundo, ayon sa Hypebeast, isang lifestyle company mula Hong Kong.
Sa kanilang post, binigyang-diin nila ang “iconic Philippine eagle” na disenyo sa loob ng passport.
“Mula sa Norway na may UV-reactive na tanawin, Japan na may ukiyo-e art, hanggang sa iconic na Philippine eagle, sleek na black cover ng New Zealand, at iba pa—ang mga pasaporteng ito ang nagtakda ng mataas na pamantayan sa disenyo.”
Kasama rin sa listahan ang Norway, Canada, Hong Kong, Japan, Finland, New Zealand, Hungary, at Belgium.
Mga Uri ng Philippine Passport
May tatlong klase ng pasaporte sa Pilipinas:
Maroon passport – Para sa ordinaryong mamamayan sa pangkalahatang paglalakbay.
Red passport – Para sa mga empleyado at opisyal ng gobyerno sa opisyal na biyahe.
Dark blue passport – Para sa diplomatic service, mga miyembro ng Cabinet, at iba pang mataas na opisyal.