
Nakatakdang gumastos ang gobyerno ng Pilipinas ng ₱1.3 bilyon para sa isang night light show sa Bulkang Mayon upang mas mapaganda ito bilang turistang atraksyon at makatulong sa lokal na ekonomiya.
Ngunit, ang plano ay nagdulot ng mga isyu sa ilang residente at environmental groups. Ayon sa mga sumusuporta, makakatulong ang proyekto upang mas dumami ang turista, lalo na sa gabi. Pero babala ng mga environmentalists, maaaring maapektuhan ang natural na ekosistema at wildlife, pati na rin ang likas na kagandahan ng bulkan.