
Si Luigi Mangione, ang 26-anyos na suspek sa pagpatay kay UnitedHealthcare CEO Brian Thompson, ay nakatanggap ng damit na may nakatagong heart-shaped notes ng suporta mula sa kanyang mga abogado, ayon sa prosecutors. Ayon sa NBC News, natagpuan ang isang note sa loob ng isang pares ng argyle socks na suot ni Mangione nang humarap siya sa Manhattan courtroom noong Pebrero 21.
Naglabas ng photos ang kanyang legal team ng mga notes, sinasabing hindi sinasadya ang pagsama ng mga ito sa kanyang damit. Ang unang note ay may nakasulat na: "Luigi, we are rooting for you. Keep your head held high. Know there are thousands of people wishing you luck." at nilagdaan ng "R/FreeLuigi." Ang pangalawang note naman ay para sa isang Joan, na nagpapasalamat sa kanyang suporta at gabay sa kaso ni Mangione.
Si Mangione ay kinasuhan ng pagpatay kay Thompson noong Disyembre 4 sa labas ng isang hotel sa Midtown Manhattan, New York City. Siya ay naaresto limang araw pagkatapos, nang makita siya ng isang customer sa McDonald's sa Altoona, mga 370 kilometro mula sa New York City. Noong Disyembre 23, nag-plead siyang not guilty sa 11-count indictment, kabilang ang murder bilang act of terrorism at weapons offenses.
Kung mahahatulan, haharap siya sa habambuhay na pagkakakulong (life sentence) nang walang parole. Si Mangione ay nagtapos bilang valedictorian noong 2016 sa isang private all-boys school sa Baltimore at kumuha ng dual engineering degrees sa University of Pennsylvania, isang Ivy League school, noong 2020. Huling nakatira siya sa Honolulu, ayon sa mga opisyal.