Malubhang nasugatan ang isang 50-anyos na police lieutenant matapos siyang barilin ng live-in partner niyang patrolwoman sa gitna ng kanilang away sa Barangay Sinawal, General Santos City noong Lunes ng gabi.
Kinumpirma ng General Santos City Police Office na nagtamo ng malalang tama ng bala si Police Lt. Joseph Miasan Denaga, na miyembro ng Police Regional Office-12.
Samantala, kusang sumuko sa mga awtoridad ang kanyang dyowa, si Patrolwoman Kamille Kaye Daliva Asuncion, matapos siyang barilin nang ilang beses. Nahaharap siya ngayon sa kasong frustrated homicide.
Ayon sa mga kapitbahay, narinig nilang nag-aaway ang dalawa tungkol sa pambu-bully raw ni Denaga kay Asuncion kasama ang iba pang mga pulis. Ilang sandali pa, umalingawngaw ang mga putok ng baril.