Sinabi ng China na wala pa silang natatanggap na asylum application mula kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang pamilya, ayon sa foreign ministry spokesperson nitong Lunes.
Ayon kay Guo Jiakun, tagapagsalita ng Chinese foreign ministry, ang pagpunta ni Duterte sa Hong Kong ay para sa kanyang personal na bakasyon.