
Walang kinalaman si Kim Soo Hyun sa pagpanaw ni Kim Sae Ron, ayon sa ex-boyfriend ng aktres na si Mr. K. Taliwas ito sa paratang ng pamilya ni Kim Sae Ron na si Kim Soo Hyun at ang kanyang talent agency, Gold Medalist, ang naging dahilan ng emotional distress ng aktres. Sa halip, sinabi ni Mr. K na ang pamilya at mister ni Kim Sae Ron ang talagang nagdulot ng matinding hirap sa kanya.
Ayon kay Mr. K, nakaranas si Kim Sae Ron ng physical at verbal abuse mula sa kanyang asawa, na nakabase sa New York. Natuklasan daw ng asawa ng aktres ang komunikasyon nila ni Mr. K, kaya nagsimula itong maging marahas. Naglabas si Mr. K ng screenshots ng kanilang pag-uusap bilang patunay, kung saan inamin ni Kim Sae Ron na natatakot siya, pero hindi niya maiwan ang kanyang asawa dahil sa takot sa magiging reaksyon nito.
