Nahuli ng Pasay Police ang isang suspek matapos ang away sa isang kainan sa Pasay City noong Marso 14.
Sa CCTV footage, kita ang gulo ng ilang kalalakihan na tumagal ng ilang minuto bago dumating ang pulisya.
Ayon kay Police Major James Ralph Naval, hindi agad natukoy ang mga biktima dahil wala sila sa lugar nang dumating ang mga pulis. Pero matapos ang imbestigasyon, dinala sila sa presinto.
Tatlong Vietnamese, kabilang ang isang babaeng interpreter, ang sangkot sa gulo. Nagsimula ito dahil sa hindi pagkakasundo ng dalawang grupong nakainom.
Walang inaresto noong mismong insidente, pero sa follow-up operation, isang suspek mula sa mahigit sampung suspek ang nahuli.
Kinasuhan siya ng physical injury, concealing true name, at disobedience to a person in authority dahil tumanggi siyang magpamedical at magpabooking.