
Isang 64-anyos na Filipino na green card holder na naninirahan sa US ng 50 taon ang na-detain ng ICE. Ayon sa ulat, si Lewelyn Dixon ay pauwi na sa Seattle mula sa isang family outing sa Pilipinas nang siya ay hintuan ng mga tauhan sa customs sa paliparan.
Sinabi ng kanyang pamangkin na si Emily Cristobal na naka-stay lang siya doon ng ilang linggo at bumalik noong Pebrero 28, pero nanatili siya sa customs. Wala pang malinaw na paliwanag kung bakit siya hinahawakan; sinabi ng pamilya na naghihintay pa raw sila ng mga dokumento.
Sa kabila ng paulit-ulit na pag-renew ng kanyang green card, kasama na ang pinakabagong renewal noong 2022, hindi pa rin malinaw ang dahilan ng kanyang detensyon. Ayon pa, dati na rin siyang sumailalim sa background check para sa trabaho sa Washington, kaya hindi maintindihan ng pamilya kung ano ang naging isyu.
Ang insidente ay nangyari sa gitna ng kampanya ng administrasyong ni Donald Trump laban sa mga ilegal na migrante. Ginamit ang mga lumang batas gaya ng 1798 Alien Enemies Act para i-detain o i-deport ang mga dayuhan na itinuturing na banta sa bansa.