Inaresto ang 2 pasahero matapos magbiro ng bomb joke habang sakay ng Cebu Pacific flight papalapit na sa Bohol-Panglao International Airport. Ayon sa report ng PNP-Aviation Security Group at CAAP-CSIS, narinig ng flight attendant ang kanilang tawanan at biro tungkol sa bomba alas-11 ng umaga.
Sinabi ng dalawang pasahero na may bomba daw sa loob ng eroplano habang sila ay papa-landing. Dahil dito, hindi agad pinababa ang mga pasahero. Bilang protocol, nag-request ng clearance ang piloto para ma-inspeksyon ang cabin at mga bagahe.