Apple ay nagpatala ng patent sa U.S. Patent and Trademark Office para sa isang "wearable electronic device" na may dalawang movable screens at cameras. Ayon sa aplikasyon, ang device ay pwedeng i-fold para maging compact at i-extend kapag kailangan ng mas malaking screen.
May iba't-ibang sketches sa filing na nagpapakita ng ilang ideya kung paano gagana ang moveable screen. May illustration na may hinged mechanism, isa na nagpapakita ng screen na nagfa-flip out mula sa primary display, at isa pa na nagpapakita ng dalawang screen na may adjustable panel.
Sinabi rin ng kumpanya na ang adaptable screens ay magpapalawak sa gamit ng kanilang watch: ang malaking screen ay mas maganda para sa phone/video calls, paglalaro, at web browsing sa wrist, habang ang maliit na form ay swak sa pang-araw-araw na gawain at outdoor activities.
May mga sketches din na nagpapakita ng dalawang cameras na nakakabit sa foldable screen system para sa pagkuha ng larawan o pagsagot sa FaceTime calls sa wrist. Nakasaad din sa patent na mayroong integrated na sensors, lights, at cameras.