Ang Final, isang Japanese na brand ng audio, ay kilala sa paghahatid ng premium sound at maganda ang design sa isang abot-kayang package. Sa kanilang bagong VR Series, ipinakilala nila ang tatlong modelo: VR500, VR2000 at VR3000 na swak para sa mga gamers at sound lovers.
Ang VR3000 at VR2000 ay ginawa para maging tumpak sa pagpapalabas ng tunog sa parehong normal at virtual reality na laro. Compatible ang mga ito sa mga sikat na VR headsets tulad ng Oculus Rift at Sony PSVR2. Mayroon itong custom-built na f-Core DU drivers (6mm dynamic drivers) na idinisenyo para ibigay ang tunog gaya ng inaakala ng mga game developers. Bukod pa rito, tumutulong ang spatial audio para ma-pinpoint ang direksyon ng tunog, kaya mabilis ang reaksyon ng gamers. May built-in cable microphone na may tatlong-button controls, ear hook design, at limang iba’t ibang laki ng silicon eartips para sa tamang fit.
Sa kabilang banda, ang VR500 ay mas simple at abot-kaya. Mayroon itong lightweight cylindrical design na nagbibigay diin sa comfort, gamit ang single-button control at may limang sizes ng eartips. Ito ay dinisenyo bilang all-rounder para sa lahat ng gaming genres.