Disney at Pixar ay opisyal nang inanunsyo ang Coco 2, na ipapalabas sa mga sinehan sa 2029! Muling babalik ang kwento sa Land of the Dead, pero wala pang ibinunyag na detalye tungkol sa plot.
Sa isang kamakailang shareholder meeting, kinumpirma ni Disney CEO Bob Iger na ang sequel ay kasalukuyang nasa early development. Ayon sa kanya, "Bagamat nasa simula pa lang ang paggawa ng pelikula, tiyak na ito ay puno ng saya, damdamin, at adventure. Excited na kaming magbahagi ng iba pang detalye sa lalong madaling panahon."
Babalik si Lee Unkrich bilang director, kasama si Adrian Molina, habang si Mark Nielsen, isang beterano sa Pixar, ang magiging producer.
Ang Coco, na unang lumabas noong 2017, ay isang malaking success sa box office at nakatanggap pa ng dalawang Oscars. Sinundan nito ang kwento ni Miguel, isang 12-year-old na nangangarap maging musician, ngunit ipinagbabawal ito ng kanyang pamilya. Sa kanyang paglalakbay sa Land of the Dead, nadiskubre niya ang isang lihim sa kanyang pamilya.
Kumita ang pelikula ng higit $800 million USD sa buong mundo. Sa mga nakaraang taon, patuloy ang Pixar sa paggawa ng hit movies, tulad ng Inside Out 2 (2024) na kumita ng $1.66 billion USD at Incredibles 2 (2018) na may $1.24 billion USD.