Isang dashcam footage ang nakahuli sa isang tricycle na bumabaybay sa STAR Tollway sa Batangas, kahit mahigpit itong ipinagbabawal.
Ayon sa nagpadala ng video sa Facebook page na “Parkeserye 2.0,” nangyari ito matapos ang Ibaan exit. Maririnig sa video ang isang pasaherong nagulat at nagsabing, “Tricycle. Asa expressway.”
Maraming netizens ang nagtaka kung paano ito nakapasok. Ipinagbabawal ng DOTr ang mga tricycle sa expressways, maliban sa mga motorsiklong may 600cc engine pataas.