Naputulan ng tatlong daliri ang isang sanggol matapos matulog ang kanyang ina na naiwanang bukas ang hairdryer, na nagdulot ng matinding paso sa kanyang mga binti.
Ayon sa ulat ng South China Morning Post noong Marso 17, ang ina na kinilalang si Wu ay nakatakdang makulong dahil sa kapabayaan. Habang pinapatuyo niya ang basang kama ng sanggol gamit ang hairdryer, nakatulog siya at hindi namalayang tumama ang init sa mga binti ng bata.
Nagising si Wu at nakita niyang may blisters na sa mga binti ng kanyang anak. Agad niyang tinawagan ang mga awtoridad at dinala ang bata sa ospital.
Ayon sa mga doktor, 15.5% ng katawan ng sanggol ang may paso, na nagdulot ng permanenteng pinsala sa balat. Dahil dito, kinailangan nilang putulin ang tatlong daliri sa kaliwang paa ng bata.
Sa paglilitis, sinabi ni Wu na hindi sinasadya ang nangyari dahil nakatulog siya matapos uminom ng gamot para sa kanyang post-partum depression. Gayunman, binanggit ng hukom na dapat ay inasahan niyang maaaring gumalaw ang sanggol sa kama.