
Isang lalaki ang nagtamo ng first degree burns matapos sumiklab ang sunog sa dalawang paupahang bahay sa Ibanez Street, Barangay Little Baguio, San Juan City noong Marso 20, 2025.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nakatanggap sila ng tawag tungkol sa sunog bandang 7:05 a.m. Itinaas ito sa unang alarma ng 7:11 a.m. at idineklarang fire out ng 8:36 a.m.
Ayon kay Fire Inspector Mark Anthony Tabangcura, gawa sa semento at kahoy ang mga bahay at masikip sa loob, kaya mabilis kumalat ang apoy.
Pinaniniwalaang electrical fire ang sanhi ng insidente matapos may makakita ng usok na nagmumula sa kisame.