Naglabas ng shocking photo si Kim Soo Hyun kung saan siya ay nakasuot ng T-shirt at walang suot sa ibaba habang naghuhugas ng plato sa bahay ni Kim Sae Ron. Ayon sa YouTube channel na "Horizontal Research Institute", ito na raw ang "pinaka-gaan" sa mga hawak nilang mas kontrobersyal na larawan ni Kim Soo Hyun.
Ayon sa nasabing channel, nais ng pamilya ni Kim Sae Ron na umamin si Kim Soo Hyun na nagkaroon sila ng relasyon noong minor pa si Kim Sae Ron.
Sinabi rin ng pamilya ni Kim Sae Ron na paulit-ulit silang kinokontak ng management company ni Kim Soo Hyun para baguhin ang mga pahayag sa media at ipilit na nagsimula lang ang kanilang relasyon nang maging legal na edad na si Kim Sae Ron.