
Aabutin ng 2-3 linggo ang pagkukumpuni sa Marilao Interchange Bridge matapos itong mabangga ng isang over height truck noong Miyerkules ng umaga, ayon kay Robin Ignacio, pinuno ng NLEX at SCTEX traffic operations.
Ang truck na may taas na 4.9 metro ay lumampas sa limit na 4.27 metro, na naging sanhi ng pagkasira ng 2 girder ng tulay. Isang babaeng pasahero ang tumilapon sa windshield ng truck at bumagsak sa kalsada.
Dalawang northbound lanes ang isinara kaya nagdulot ito ng matinding trapik.
Ang driver ng truck ay mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property.