
Lumutang ang bagong impormasyon tungkol kay Kim Sae Ron matapos maglabas ng YouTuber Lee Jin Ho ng audio recording na nagsiwalat ng detalye tungkol sa umano’y kasal at pagbubuntis ng aktres.
Ayon kay Lee Jin Ho, bagama't itinanggi ni Kim Sae Ron na siya ay ikinasal, totoo raw na nagpakasal ito matapos mabuntis. Sa nasabing recording, sinabi ni Kim Sae Ron na nagpasya siyang magpakasal dahil sa pang-aabuso at pagbabanta ng kasalukuyang kasintahan, ngunit kalaunan ay nagkaroon siya ng miscarriage.
Ibinunyag rin ni Kim Sae Ron na ang kanyang kasintahan ay isang ordinaryong empleyado sa isang malaking kumpanya. Dagdag pa niya, ang kasintahan niya ang nag-post ng mga litrato ng kasal nila nang magkaroon sila ng away.