Ibinahagi na ng Netflix ang trailer para sa kanilang pinakabagong Korean thriller series na pinamagatang 'Karma'. Tampok dito ang mga sikat na aktor na sina Shin Min-Ah, Park Hae-Soo, Lee Kwang-Soo, Lee Hee-Jun, Gong Seung-Yeon, at Kim Sung-Kyun.
Ang kwento ay umiikot sa anim na karakter na nasangkot sa isang karmic cycle matapos gumawa ng mga maling desisyon na nagdulot ng sunod-sunod na trahedya.
Sa trailer, makikita ang mga karakter na tumatakbo mula sa kanilang madilim na nakaraan na puno ng mga sikreto, aksidente, at trahedya.
Isa sa mga tumatak na linya ay mula kay Shin Min-Ah na nagsabing:
"May tao ka na bang kinamuhian nang sapat para gustuhin siyang patayin?"
Ayon sa Netflix, tampok sa 'Karma' ang mga karakter na may kumplikadong buhay at pinahihirapan ng kanilang masasakit na nakaraan.
- Park Hae-Soo bilang "the eyewitness," na nasangkot sa isang misteryosong insidente.
- Shin Min-Ah bilang "gifted surgeon" na biktima ng childhood trauma.
- Lee Kwang-Soo bilang "the glasses," isang doktor na bumagsak dahil sa isang pagkakamali.
- Kim Sung-Kyun bilang Jang Gil-Ryong, na sumugal sa delikadong trabaho matapos matanggal sa kanyang trabaho.
- Lee Hee-Jun bilang "the debtor," isang sugarol na nalubog sa cryptocurrency debt.
- Gong Seung-Yeon bilang Lee Yu-Jeong, kasintahan ng doktor na sangkot sa isang delikadong pagtatakip.