
Agaw-pansin ngayon si Napat Mitmakorn, o mas kilala bilang King, isang 9-anyos na tattoo artist mula Thailand. Lumahok siya sa Tattoo Expo noong Marso 15-16, 2025, kung saan nakita siyang naglalagay ng fanged serpent tattoo sa hita ng kanyang uncle gamit ang mabigat na tattoo gun. Umabot ng halos walong oras bago matapos ang intricate design na ito.
Ayon kay King, mahilig talaga siya sa sining, kaya nahilig din siya sa tattoo art. Ang kanyang ama na si Nattawut Sangtong, isang amateur tattooist, ang nagturo sa kanya upang ilayo siya sa pagiging addicted sa gaming. Mula sa pag-ensayo ng patterns sa papel at artificial leather, natutunan ni King ang paglalagay ng tattoo sa balat ng tao.