Galit na binanatan ni Davao City Mayor Baste Duterte si Pangulong Bongbong Marcos matapos pahintulutan umano ng gobyerno ang ICC na arestuhin ang kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“‘Yung tatay mo (Marcos Sr.) pinalibing ng tatay ko (Duterte), pero yung tatay ko pinakulong mo. P*** i** ka!” sabi ni Baste sa Araw ng Dabaw.
Ipinahayag din ni Baste na hindi nila palalampasin ang umano’y ilegal na pag-aresto kay Duterte.
Samantala, itinanggi ni Pangulong Marcos na may halong pulitika ang insidente, at sinabing sumunod lamang sila sa utos ng Interpol.
Dumating si dating Pangulong Duterte sa Netherlands noong March 12 at agad na dinala sa ICC Detention Center.