Lady Gaga ay nanguna sa Billboard 200 ngayong linggo sa kanyang bagong album na 'MAYHEM'.
Ang kanyang bagong album ay nag-debut na may 219,000 units sa unang linggo — kasama na rito ang 136,000 album sales, 80,500 streaming units (katumbas ng 108.05 million streams) at 2,500 track units.
Ang 'MAYHEM' ay hindi lang nagbibigay kay Lady Gaga ng kanyang ika-anim na No. 1 album, kundi ito rin ang may pinakamalaking streaming week sa kanyang career. Dagdag pa rito, ito ang pinakamalaking sales week para sa isang babaeng artist sa 2025 at sa nakalipas na anim na buwan; huling naitala ito ni Sabrina Carpenter noong September 2024.
Samantala, si JENNIE ay pumasok sa Billboard 200 sa No. 7 gamit ang kanyang solo debut na 'Ruby' na may 56,000 units. Kasama rito ang 29,000 streaming units (katumbas ng 39.93 million streams), 26,500 album sales, at 500 track units.
Nasa Top 10 din ngayong linggo sina Kendrick Lamar, PARTYNEXTDOOR, Drake, SZA, at Tate McRae. Nasa bandang ilalim naman sina Sabrina Carpenter, Bad Bunny, Morgan Wallen, at Chappell Roan.