Standup comedian na si Gold Dagal ay binaril sa Pampanga noong nakaraang Sabado.
Si Gold ay kilala sa kanyang mga biro tungkol sa Iglesia ni Cristo.
Kumpirmado ng non-profit organization na Project Jade ang pagpanaw ni Gold sa kanilang Facebook page.
"Rest in power, Gold," ayon sa kanilang post.
"Para sa marami, si Gold ay isang komedyanteng may crude humor. Pero para sa amin, isa siya sa iilang tao na lumaban sa paglabag sa karapatang pantao at indoctrination. Hustisya para sa'yo, Gold. Salamat sa suporta mo sa Project Jade. Pahinga ka na," dagdag nila.
Nabatid na ilang death threats na ang natanggap ni Gold matapos niyang magbiro tungkol sa Iglesia ni Cristo. Gumagawa rin siya ng mga social commentaries para paalalahanan ang publiko tungkol sa karapatang pantao at pang-aabuso sa kapangyarihan.
Sinubukan naming kunin ang pahayag ng Pampanga Police pero wala pa silang tugon hanggang sa ngayon.