
Si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay haharap sa International Criminal Court (ICC) sa March 14, 9 p.m. oras sa Pilipinas.
Haharap siya sa Pre-Trial Chamber I, kung saan titingnan ang kanyang pagkakakilanlan at ipapaalam sa kanya ang mga paratang laban sa kanya, pati na rin ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng Rome Statute.
Si Duterte ay pinaghihinalaang sangkot sa murder na itinuturing na crime against humanity na naganap umano mula Nobyembre 1, 2011 hanggang Marso 16, 2019.
Kasama ni Duterte si Salvador Medialdea bilang legal counsel.
Inaresto si Duterte noong Marso 11 at dinala sa Villamor Air Base matapos dumating mula Hong Kong.



Ang hearing ay mapapanood sa ICC website na may 30-minute delay sa wikang Ingles at Pranses.
Susundan ito ng confirmation of charges hearing upang magpasya kung may sapat na ebidensya para sa paglilitis.