Si LaMelo Ball ay nag-aaverage ng mahigit 25 points per game, ang kanyang career high sa loob ng limang season kasama ang Charlotte Hornets. Kasabay nito, patuloy ding umaangat ang kanyang signature shoe line sa PUMA Hoops.
Ang pinakabagong design ng PUMA MB.04 ay tinawag na “Golden Child” — inspired sa idea na lahat ng hinahawakan ni Ball ay nagiging gold.
Ang MB.04 “Golden Child” ay may all-gold finish na kumikinang sa overlays, habang medyo muted naman ang kulay sa base ng court-ready sneaker. Makikita rin ang black accents sa tongue at heel branding na may signature na “1 of 1” at “Not From Here” na designs.
Kung gusto mong makuha ang “Golden Child” colorway ng PUMA MB.04, ilalabas ito sa March 14 via PUMA at mga piling retailers sa halagang $125 USD.