Patuloy na hinahanap ng Lapu-Lapu City Police ang isang lalaki na nagnakaw ng vault sa isang bahay sa Barangay Maribago noong madaling araw ng Lunes.
Nakuhanan ng CCTV ang suspek na naka-mask at naka-brief lang habang bitbit ang malaking vault.
Ayon kay Police LtCol. Christian Torres, natuklasan nilang dumadaan sa mga bintana o mahihinang bahagi ng bahay ang suspek. May isa pa umanong bahay sa kalapit na barangay na pinasok ng parehong suspek.
Tinangay rin ng lalaki ang nasa P10,000 na laman ng vault. Sa isa pang pagnanakaw, wala rin itong suot na damit.
Hinihinalang foreigner ang suspek dahil wala umanong nakakakilala sa kanya sa kanilang lugar, base sa video na nakuha.
Masusing iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang mga insidenteng ito.