Muling nag-collab ang Blizzard Entertainment at K-pop group na LE SSERAFIM para sa bagong event sa Overwatch 2. Sa pagkakataong ito, magdadala sila ng FEARLESS skins, bagong in-game content, at mga fresh beats mula sa sikat na grupo.
Matapos ang kanilang matagumpay na collab noong 2023, ito na ang pangalawang beses na magtatambal ang Overwatch 2 at LE SSERAFIM. Ang FEARLESS collection ay tampok ang mga bagong skins para sa mga hero na sina Mercy, Juno, D.Va, Illari, at Ashe, na may mga striking na bagong looks.
Para sa mga gusto ng full experience, available rin ang Ultra Bundle na may 10 Legendary skins, kabilang na ang FEARLESS collection at mga updated na 2023 skins. Pwedeng bilhin ang mga ito nang paisa-isa o bilang bundle para sa personalized na customization.
Bukod sa skins, may mga in-game challenges din kung saan pwedeng makuha ang exclusive na Legendary Fawksey James Junkrat skin. May mga dynamic visual effects rin tulad ng Ashe’s RGB dynamite explosions, na nagbibigay ng kakaibang estilo sa battlefield.
Magaganap ang event mula March 18 hanggang March 31, kaya huwag palampasin ang chance na makuha ang exclusive skins at iba pang rewards.
Para makita ang special preshow kasama ang LE SSERAFIM, abangan ang Overwatch 2 x LE SSERAFIM Livestream Event sa March 17, 11:30 PM EST.