Sugatan ang 31 katao matapos magsalpukan ang dalawang bus sa EDSA Bus Carousel.
Nangyari ang aksidente bandang 9:30 ng gabi nitong Lunes sa boundary ng Guadalupe, Makati at Boni, Mandaluyong.
Ayon sa imbestigasyon, nabangga ng isang bus ang nasa harapan nito, na naging dahilan ng matinding impact.
Dinala sa mga pagamutan ang mga biktima na nagtamo ng mga galos at minor injuries dahil sa aksidente.
Rumesponde agad ang mga kasapi ng Philippine Red Cross, MMDA, at PNP upang magbigay ng tulong.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang tunay na dahilan ng insidente.