
Isang matinding sunog ang sumiklab sa Barangay Pundaquit, San Antonio, Zambales noong Lunes ng gabi. Ayon sa uploader na si Diana Florendo, patuloy ang pagsisikap ng mga bumbero na apulahin ang apoy upang maiwasan ang mas matinding pinsala.


Ayon sa ulat, karamihan sa mga residente ay ligtas pa sa ngayon, ngunit may ilang bahay na nasa likod ng sunog ang maaaring maapektuhan. Agad namang nakaantabay ang mga bumbero at handang rumesponde sa anumang emergency.

Hindi pa malinaw kung ano ang naging sanhi ng sunog, at patuloy pang iniimbestigahan ang insidente. Samantala, nananatiling alerto ang mga awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa lugar.