Isang lalaki sa Peru ang milagrosong nakaligtas matapos masagasaan ng tren habang natutulog sa riles. Ayon sa mga awtoridad, lasing umano ang lalaki at hindi naramdaman ang papalapit na tren.
Sa CCTV footage, makikitang nakahiga siya nang dumaan ang mabagal na cargo train. Pero makalipas ang ilang sandali, tumayo siya na parang walang nangyari.
Ayon kay General Javier Avalos, minor injuries lang sa kaliwang braso ang tinamo ng lalaki at agad siyang dinala sa ospital para magpagamot.