
Dahil horror ang Lilim, tinanong si Heaven kung may creepy experience siya sa totoong buhay.
Kwento niya, nang nakatira pa siya sa isang condo unit, gabi-gabi siyang binabangungot.
“As in every night, hindi ako nagjo-joke! Gabi-gabi akong nagigising na sumisigaw kasi hindi ako makagalaw,” sabi niya.
"Alam mo yung gumagalaw ka pero parang may pumipigil? Ang hirap gumising!"
Dahil hindi na siya makatulog nang maayos, pinapunta niya ang lola niya na may kakayahang makakita ng espiritu.
Sabi raw ng lola niya, “Heaven, may nakatayo dito.”
Doon niya nalaman na sa corner ng kwarto, may isang lalaking nakatingin lang sa kanya tuwing natutulog siya.
"Tumaas talaga balahibo ko! As in, sobrang creepy!"