Para ipagdiwang ang 60th anniversary ng iconic na Prospex watch, naglabas ang Seiko ng tatlong limited edition models: Prospex Marinemaster “Shinkai” 60th Anniversary 600m Saturation Diver, Prospex 1968 Heritage Diver’s GMT 60th Anniversary, at Prospex 1965 Heritage Diver’s 60th Anniversary. Ang bawat modelo ay may unique na disenyo at advanced na features para sa mga mahilig sa diver’s watches.
Noong 1965, isang professional diver ang nagbigay ng feedback sa Seiko na madaling masira ang mga relo sa ilalim ng dagat. Dahil dito, gumawa ang brand ng unang Japanese diver’s watch na may automatic movement at 150m water resistance. Ngayon, bilang tribute sa kanilang unang diver’s watch, inilabas ng Seiko ang Prospex 1965 Heritage Diver’s 60th Anniversary, na may inspirasyon mula sa “62MAS” 1965 Diver. Mayroon itong 6R55 automatic caliber, 3-day power reserve, at 300m water resistance, at ang design nito ay nakabase sa iconic na "The Great Wave" ni Hokusai.
Ang Prospex 1968 Heritage Diver’s GMT 60th Anniversary, naman ay may kakaibang dial pattern at caseback na may wave design bilang tribute sa 1968 Diver—ang unang one-piece case hi-beat diver’s watch ng Seiko na may 300m water resistance. Ito rin ang kauna-unahang model na may short-pitch bracelet na may micro-adjustable clasps, para sa mas kumportableng fit.
Samantala, ang pinaka-high-tech sa lahat, ang Prospex Marinemaster “Shinkai” 60th Anniversary 600m Saturation Diver, ay ginawa sa Shizukuishi Watch Studio. Mayroon itong titanium case, superhard coating para sa scratch resistance, at 8L45 movement para sa mas mataas na performance. Ang pangalan nitong "Shinkai" ay nangangahulugang deep sea, kaya naman may blue dial ito na sumasalamin sa malalim na karagatan.
Ang mga bagong Seiko Prospex 60th Anniversary Limited Edition watches ay may presyong mula £1,270 hanggang £4,130 GBP, na katumbas ng humigit-kumulang ₱93,700 hanggang ₱304,800. Sa US dollars, ang mga presyo ay nasa pagitan ng $1,637 at $5,323 USD, na humigit-kumulang ₱93,800 hanggang ₱305,100. Ang mga presyong ito ay batay sa kasalukuyang exchange rates noong Marso 6, 2025.
Available na ang mga ito para sa pre-order sa Seiko at inaasahang magiging opisyal na available sa Hulyo para sa mga nais magkaroon ng isang exclusive at collectible na Seiko diver’s watch.