
Kagabi (March 6), inilabas ni Hev Abi sa YouTube ang kanyang bagong single na “KAGABI NG KAGABI.” Kasabay nito, may visualizer kung saan makikita siyang nakikipag-usap sa phone habang nagda-drive sa Tomas Morato. Perfect ang late-night drive vibe sa chill R&B at halos jazz-like beat ng kanta.
Panoorin ang music video dito:
Bago ang Canada Tour na magsisimula sa March 28 sa Petrus Hall, Winnipeg at matatapos sa April 12 sa Union Hall, Edmonton, nag-release rin siya ng 8 bagong tracks noong nakaraang buwan—halo ng fresh songs at remixes mula sa mini-album niyang ang bahay namin maliit lamang.
Inaabangan din ng fans ang kanyang second studio album, Maduming Timog, na dapat ay lumabas noong February 14.