
Mukhang seryoso na ang relasyon nina Andrea Brillantes at basketball player na si Sam Fernandez! Sa mga viral na photo at video, spotted silang magka-holding hands habang naglalakad sa isang public place. Dahil dito, mas lalong lumakas ang hinala ng mga netizens na may namamagitan na sa kanila.
Unang lumabas ang chika noong Valentine’s Day nang ipost ni Andrea sa TikTok ang natanggap niyang pink roses. Napansin ng mga netizens na pareho ito ng hawak na bulaklak ni Sam, kaya’t mabilis na pinag-usapan ang kanilang ugnayan.
Bukod dito, noong February 22 at 23, nakita rin silang magkasama sa isang frisbee event sa Sta. Rosa, Laguna. Isang netizen na may handle name na @imlovely_08 ang nag-upload ng pictures nila kung saan magkaangkla pa ang kanilang mga kamay.
Sa kabila ng mga kumakalat na balita, wala pang kumpirmasyon o pagdedenay mula sa dalawa tungkol sa tunay nilang relasyon. Matatandaang ang huling public relationship ni Andrea ay kay Ricci Rivero, na natapos noong June 2023 dahil sa mga kontrobersya.