Kakatapos lang ng holiday rush, pero tuloy pa rin ang trabaho—clean-up, meetings, at pagpa-plan para sa 2025. Sa dami ng ginagawa, halos di na namin na-enjoy ang holidays kasama ang family at friends. Kaya perfect ang mother-daughter bonding namin ni Karla sa sukiyaki dinner sa Inari SM Aura. Pagpasok namin, punuan na ang resto kaya dinala kami sa isang private room at binigyan ng iced guava lychee jasmine tea—super refreshing!
Nag-umpisa kami sa sizzling salmon at king prawn aburi roll, na sobrang sarap at nag-melt sa bibig. Sinubukan din namin ang spicy tuna roll, na medyo spicy for me pero gustong-gusto ni Karla. Ang highlight ng starters ay ang house special ebi tempura—may lumpfish caviar, ebiko, sukiyaki reduction, at Japanese mayo. Iba talaga ang twist ng Inari sa mga classic Japanese dishes!
May special meaning ang sukiyaki para sa amin dahil favorite ito ni Lolo Joe. Tuwing Sunday, siya mismo ang nagluluto nito sa bahay, at bata pa lang ako, assistant na niya ako sa pagluluto. Pero sa Inari Sukiyaki, may twist—bukod sa usual na Tokyo-style sukiyaki (may sabaw at glass noodles), meron ding Kyoto-style dry sukiyaki—walang sabaw pero puno ng lasa! May rice, miso soup, at noodles sa side, at may onsen egg pa rin for dipping.
Ang best part? Ikaw ang pipili ng beef! Sa Classic Sets, may USA Karubi (boneless short rib) at AUS High Choice Striploin. Sa Premium Sets, may USDA Black Angus Misuji (marbling score 5-6), USDA Black Angus Rib Eye (marbling score 6-7), at OMI Wagyu A5 (marbling score 9-10). Dahil sa counter setup ng Inari, mismong chef ang magluluto ng sukiyaki mo sa harap mo, kaya mas interactive ang experience.
Pang-end ng meal, pinili ni Karla ang Nama Chocolate gelato, habang ako naman ay super satisfied sa Yuzu calamansi sorbet. Ang saya ng dinner bonding namin—sana lang may oras pa maglakad-lakad sa mall! Pero kailangan na naming umuwi para sa Zoom meeting. Ikaw, mas bet mo ba ang Kyoto-style o Tokyo-style sukiyaki?