Opisyal nang inilabas ng Harley-Davidson ang CVO Road Glide RR, isang limited edition na bagger na may inspirasyon mula sa MotoAmerica Mission King of the Baggers race team. Pinagsasama nito ang power at precision sa isang street-legal na makina.
Mayroon itong Screamin’ Eagle 131 V-Twin engine, ang pinakamalakas na factory-installed Big Twin ng Harley-Davidson. May 153 hp at 150 lb-ft torque, kaya kayang maghatid ng matinding bilis at acceleration. Pinalakas ito ng CNC-ported cylinder heads, high-performance camshaft, 68mm throttle body at titanium Akrapovič exhaust para sa mas magaang timbang at mas mataas na output.
Bukod sa makina, may race-spec Öhlins suspension ang motor, may 43mm inverted front fork at dual outboard rear shocks para sa mas matatag na handling. Ang Brembo GP4-RX CNC calipers at floating T-Drive rotors naman ang bahala sa braking power. Sa disenyo, kapansin-pansin ang Racing Orange livery, carbon fiber detailing at billet aluminum controls. Mayroon din itong 12.3-inch touchscreen infotainment system na may Skyline OS, Apple CarPlay, at 500-watt Rockford Fosgate audio system.
Limited edition lang ito sa 131 units at available lang sa U.S. sa halagang $110,000 USD.