
Opisyal nang ilalabas ngayong tag-init ang Tony Hawk’s Pro Skater 3 + 4, ayon sa Iron Galaxy Studios, Tony Hawk, at Activision!
Markahan na ang July 11 sa kalendaryo dahil darating na ito sa PlayStation 4, PlayStation 5, Xbox One, Xbox Series X/S, Nintendo Switch, at PC via Steam, Battle.net, at Microsoft Store.
Ang remake na ito ay pagsasama ng classic content ng original na laro na may bagong skaters, mas wild na tricks, at bagong parks—isang bagay na hindi pa nakita sa loob ng isang dekada!
Kasama sa roster ng skaters ang Tony Hawk, Bucky Lasek, Steve Caballero, Kareem Campbell, Geoff Rowley, Andrew Reynolds, Elissa Steamer, Chad Muska, Eric Koston, Rodney Mullen, Jamie Thomas, Rune Glifberg, at Bob Burnquist. Mayroon ding bagong henerasyon ng skaters tulad nina Rayssa Leal, Chloe Covell, Jamie Foy, Zion Wright, at Yuto Horigome.
Mas solid ang soundtrack dahil bukod sa original songs mula sa Motorhead, Gang Starr, at KRS-One, may bagong tracks rin na magdadala ng modernong skate vibes!
Huwag palampasin! Tony Hawk’s Pro Skater 3 + 4 ilalabas na sa July 11!