Isang sobrang bihirang sasakyan ang lumitaw sa merkado—ang natatanging 2018 Aston Martin V8 Super Cygnet. Unang ipinakita sa 2018 Goodwood Festival of Speed, ang kotseng ito ay pinagsasama ang laki ng city car at bilis ng supercar, kaya’t isa ito sa pinaka-wild na proyekto ng Aston Martin.
Ginawa sa espesyal na kahilingan ng isang kliyente at binuo ng Q by Aston Martin – Commission Service, ang Super Cygnet ay isang heavily modified na bersyon ng compact Cygnet. Pinalitan ito ng 4.7L V8 engine mula sa Vantage S na may 430HP, 7-speed paddle-shift transaxle, at rear-wheel drive. Resulta? 0-60 mph sa loob ng 4.2 segundo at top speed na 170 mph!
Para kayanin ang bigat ng makina, ni-reinforce ang chassis ng Cygnet gamit ang safety roll cage, at in-upgrade ang suspension at braking system mula sa V8 Vantage S. Kahit mukhang Cygnet pa rin sa labas, halos lahat ng piyesa nito ay ni-reengineer para sa matinding performance. Sa loob, makikita ang Recaro seats, carbon fiber dashboard, at Vantage instrument panel—perfect na halo ng racing at city driving.
Sa 2,900 miles lang na natakbo, nananatili itong parang bago. Laging inalagaan at itinago ng Aston Martin engineers, kaya siguradong top condition pa rin. Sa ngayon, nakalista itong “reserved” sa Nicholas Mee website, pero walang inilabas na presyo.
Gaano kaya ito kamahal? Isa lang ang sigurado—isang collector’s dream ang Super Cygnet na ito!