
Dalawang magkapatid sa Argentina ang umakyat sa bundok upang kunin ang bag ng kanilang amang mountaineer na namatay doon 40 taon na ang nakalipas. Sa loob ng bag, natagpuan nila ang lumang film ng camera, na nagbigay sa kanila ng sulyap sa huling mga sandali ng kanilang ama.
Si Guillermo Vieiro, 44, ay namatay noong 1985 habang bumababa mula sa Tupungato lava dome, isa sa pinakamataas na bundok sa Amerika. Noong nakaraang taon, isang mountaineer na si Gabriela Cavallaro ang nakakita ng kanyang bag at ipinaalam ito sa kanyang mga anak na sina Guadalupe, 40, at Azul, 44.
Noong Pebrero ngayong taon, nagdesisyon ang magkapatid na akyatin ang bundok kasama si Cavallaro at iba pang mga gabay upang kunin ang bag sa taas na 6,100 metro. Sa kanilang ekspedisyon, natagpuan nila ang jacket, sleeping bag, bote ng tubig, at dalawang rolyo ng film na pag-aari ng kanilang ama.
Para kay Azul, ang paglalakbay na ito ay hindi lang tungkol sa pagkuha ng bag kundi tungkol din sa muling pagkilala sa kanilang ama. "Parang ipinapaalala niya sa amin na andito pa rin siya," aniya. Napag-alaman din nila na ang kanilang ama at kasamahan nitong si Leonardo Rabal ang unang nakaakyat sa pinakamahirap na ruta ng Tupungato.
Plano ng magkapatid na ibigay ang mga gamit ng kanilang ama sa isang museo upang maibahagi ang bahagi ng kasaysayan ng mountaineering sa Argentina.