Skype ay magpapaalam na sa Mayo 5 dahil isasara na ito ng Microsoft matapos ang halos dalawang dekada ng online calling service.
Isasara ang Skype para bigyang-daan ang Teams, ang communication platform ng Microsoft. Sinabi ng kumpanya noong Biyernes na mas mapapadali nito ang kanilang communication services.
Nagsimula noong 2003, ang Skype ay naging popular sa audio at video calls, na nagbago sa paraan ng pakikipag-usap ng mga tao sa iba’t ibang bansa. Sa kasagsagan nito, milyon-milyon ang gumagamit nito. Pero nitong mga nakaraang taon, hindi na ito maka-keep up sa mas madaling gamitin at mas stable na apps gaya ng Zoom at Slack.
Isa sa mga dahilan ng pagbagsak ng Skype ay ang technology nito na hindi swak para sa smartphone era.
Nang dumating ang pandemic at work-from-home setup, mas pinush ng Microsoft ang Teams sa corporate users, na dati ay malakas sa Skype.
Para hindi mahirapan ang users, puwede silang mag-log in sa Teams gamit ang kanilang dating account, at automatic na malilipat ang kanilang chats at contacts.
Sinabi ng Microsoft noong Biyernes: "Skype ay naging malaking bahagi ng modernong communication."