
Isang sunog ang naganap malapit sa runway ng Gimpo Airport sa Seoul ngayong araw. Ayon sa ulat ng SBS, nagsimula ang apoy sa isang greenhouse sa Gangseo-gu, Kaehwa-dong bandang 2:48 PM (Korea time).
Agad rumesponde ang mga bumbero at matapos ang 40 minutong pag-apula ng apoy, tuluyang naapula ito nang walang naiulat na nasaktan.
Ayon sa mga opisyal ng paliparan, hindi naapektuhan ang mga flight at normal ang operasyon. Magkakaroon ng masusing imbestigasyon upang alamin ang sanhi ng sunog at ang lawak ng pinsala.