Ipinakilala ng Sigma ang Sigma BF, isang mirrorless camera na nagpapakita ng bagong direksyon ng brand sa digital photography. Pinagsasama nito ang klasikong photography at makabagong teknolohiya upang bigyang-daan ang natural at madaling pagkuha ng mga larawan sa araw-araw.
Mayroon itong 24MP L-mount sensor at mas madaling gamitin dahil pinalitan ang tradisyonal na mode dial ng direct controls para sa shutter speed, aperture, ISO, EV compensation, at color mode.
Bukod sa makabagong features, ang Sigma BF ang kauna-unahang camera na may tunay na unibody design – hinulma mula sa isang solidong piraso ng aluminum sa loob ng pitong oras. Ang seamless metal body nito ay dinisenyo upang magbigay ng matibay at komportableng grip anuman ang nakakabit na lente.
Bagama't simple sa disenyo, hindi ito nagkukulang sa teknolohiya. Mayroon itong full-frame sensor para sa mataas na kalidad ng imahe at hybrid autofocus system para sa mabilis at eksaktong pag-focus sa mga subject.
Kasabay ng paglulunsad ng Sigma BF, maglalabas din ang brand ng siyam na lens na may matching na kulay para sa isang kumpletong photography experience. Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang opisyal na website ng Sigma.