Inilabas na ng OPPO ang Find N5, na kinikilala bilang pinakamanipis na foldable phone sa mundo! Kapag nakatupi, ito ay may kapal na 8.93mm lang, at kapag bukas, abot sa 4.21mm ang pinakamagaan nitong bahagi—sobrang nipis na parang papel!
Pero kahit manipis, hindi ito nagkulang sa lakas! May Snapdragon 8 Elite chipset, 16GB RAM, at 512GB storage, kaya siguradong mabilis at powerful ito. Mayroon ding 5,600mAh na battery na kayang tumagal ng dalawang araw sa isang charge, plus 80W wired at 50W wireless charging para sa mas mabilis na pag-recharge.
Napaganda rin ng 8.12-inch OLED LTPO main display na halos walang crease, at may 6.62-inch external screen na may 2,450 nits brightness—perfect kahit sa ilalim ng araw!
Pagdating sa tibay, may IPX6, X8, at X9 rating ito laban sa tubig, at mas pinahusay na hinge para mas pulido ang tiklop. Ang 50MP Hasselblad-tuned camera at 12MP ultrawide lens ay nagbibigay ng malinaw at mataas na kalidad na mga larawan.
Magiging available ito sa Europe at Asia simula February 28, sa halagang $2,499 SGD (approx. $1,867 USD). Sa ngayon, walang plano ang OPPO na dalhin ito sa U.S.